Home > Uncategorized > Takbo sa MILO San Pablo, Laguna

Takbo sa MILO San Pablo, Laguna

Pangalawang beses ko pa lang tumakbo sa isang karera sa labas ng Maynila. Ang una ay iyong sa “Greenfield City Run” noong nakaraang Abril 19 ng kasalukuyang taon.

Ngunit itong sa San Pablo ay kakaiba, sa kadahilanang wala akong kaalam-alam kung ano ang hitsura ng ruta.

Isang linggo bago ang karera, aking nakausap ang isang kaibigang gala. At dito ay nai-kwento ko na ako ay magkakarera sa San Pablo. At ayon sa aking kaibigang gala, kayang-kaya ko daw ito dahil patag.

Dumating ang araw ng karera, kami ay nagkita-kita sa McDo malapit sa gasolinahan sa kanto ng buendia at edsa bandang alas-dos ng madaling araw.


Kahit na masungit ang panahon ay aming tinahak ang SLEX patungong San Pablo.

Mag-a-alas singko ng umaga ng kami’y makarating sa Munisipyo ng San Pablo, kung saan naandoon ang “START/FINISH” ng karera.

Bahagya akong nagtaka dahil hindi patag ang kinaroroonan ng “START/FINISH” line. Isa itong gulod.


Ngunit ito’y aking ipinagkibit-balikat na lamang, dahil ang nasa aking isipan ay baka sa “START/FINISH” line lang ito at puro patag na ang kabuuan ng ruta.

Ang aking pagkibit-balikat sa umpisa ng karera, ay naulit ng ilang beses habang tinatakbo ko ang ruta para sa 21K. Dahil hindi lang isa, dalawa o tatlong gulod ang aking natakbuhan. Sa dami ng gulod ay hindi ko na binilang.

Natapos ko ang karera ng 2:26, ito ay ayon sa oras na nakita ko ng ako ay tumapak sa “FINISH” line.


Masakit man ang aking mga hita dahil sa dami ng gulod, ito naman ay ikinatuwa ko at ng aking mga kasamahan sa TAKBO.PH. Dahil lahat kami ay hindi inaakala na ganun katindi ang ruta na aming susuungin.



At lalo kaming natuwa ng dalawa sa aming kasamahan ay nakakuha ng ika-8 pwesto sa 21K (roselle) at 10K (carina).


At ang pinakamasarap dito ay ang piyesta pagkatapos ng giyera.

rodel: sorry na.. di ko naman sinadya matalsikan juice mo eh.

Pagdating ko sa bahay ay tinawagan ko ang aking kaibigang gala:
RR: pre, hindi naman patag un tinakbuhan namin sa San Pablo eh.
KG: ay, tatakbo ka ba? kala ko karera ng kung ano. suri, tao lang.
RR: ayos…

* salamat kay argo at mccoy sa mga litrato =)

Advertisements
Categories: Uncategorized
  1. September 11, 2009 at 3:15 am

    Congrats Rod kahit maraming gulod e naconquer mo pa rin ang road… roadrunner ka talaga… e pero bakit ganun!? pagdating sa kainan ako ung madalas sa picture?? aber at bakit may transcript ung isang picture ung iba naman wala?? hahahha =D

    Like

  2. September 11, 2009 at 4:54 am

    KG: ay, tatakbo ka ba? kala ko karera ng kung ano. suri, tao lang.- wahahahaha panalo si kaibigang gala wahahahaaha

    Like

  3. September 11, 2009 at 6:36 am

    Hanep! ang lupet talaga ng Intelligence Report! Sobrang patag nga! ng daan papuntang San Pablo! 🙂 Nice blog, ROD…

    Like

  4. September 11, 2009 at 7:46 am

    Nice post Makisig! Natawa ako sa “gulod” na iyun. Ang lalim! Di ko maarok!

    Like

  5. September 11, 2009 at 2:56 pm

    Julie
    salamat. hehehe.. pinalitan ko na din yun transkrip, para malapit sa totoong nagyari. =D

    Like

  6. September 11, 2009 at 3:00 pm

    Tim / Poj
    korek… panalo talaga. isasama ko minsan sa takbo. sabihin ko tatakbo kami ng 2K tapos sabihin ko… “ay 42k pala, sori tao lang” wehehehe

    Like

  7. September 11, 2009 at 3:02 pm

    Roselle
    salamat! ngayon ko lang din nalaman ibig sabihin ng gulod. ang lalem…

    Like

  8. September 12, 2009 at 5:29 am

    Suri! Kalalim ng Tagahlog mo ire! Ayos sa pagsasalaysay aking kaibigan!

    Like

  9. September 12, 2009 at 11:19 am

    haha! natawa ako sa last picture…

    anyway, congrats rod sa iyong adventure.. thanks sa pagdrive.. 🙂

    Like

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: