Archive

Archive for the ‘La Maga Wa’ Category

Free!!!

February 21, 2012 Leave a comment
image from http://images.free-extras.com

Asteeg di ba??? Nakakita lang ng FREE!!! Sorry, bored lang. 😉

Categories: Free, La Maga Wa

So you want a Race Kit?

November 3, 2011 Leave a comment

Nangyari na ba sa iyo na may gusto ka takbuhan na race, kaso wala ka pang-register?


Gusto mo malaman kung paano ka makaka-kuha ng race kit?

Image: graur razvan ionut / FreeDigitalPhotos.net

Ito yung legal, try mo…

1. Mag-ipon at mag-register (kaso, magastos ka kaya wala ka pang-bayad)

2. Sumali sa mga pa-contest. (Marami dyan sa paligid, buksan mo lang ang mga mata)

3. Magpa-sponsor (ang taray!!!)


Kaso, kung desperado. Di kita kukunsintihin. Ika nga, “Try at your own risk”.

Image: chanpipat / FreeDigitalPhotos.net

1. Mag-matyag at mag-abang ng mga hindi makakatabo. (kapalan ng konti ang mukha at hingin ang kanilang kit).

2. Mag abang ng mga nag “Buy and Sell”. May ibang runners na maaga nag-register kaso, biglang hindi makakatakbo… at binebenta ang kanilang race kit.

3. Mag-Bandit. (ginawa ko na minsan ito… although may baon naman akong sariling hydration at hindi kumuha sa water stations, di ko pa din gusto ang pakiramdam. di ko na inulit)


Sa tatlong nasa itaas… eto ang pwedeng maging problema… Walang insurance. Kung may mangyari sa iyo sa race, walang sagot sa iyo ang organizer.


4. Kapalan ang mukha at mag-gate crash sa blogcons. Btw, hindi lahat ng blogcons eh namimigay ng free race kit… 🙂

Pero seriously… if wala talaga pang-register. Marami naman kalsadang pwedeng libreng takbuhan. 

Categories: La Maga Wa, Personal

Bakit Why?!?

November 2, 2011 4 comments

“Don’t take the first step, if you’re planning to cheat… ” – Anonymous

Actually, imbento ko lang yang quote na nasa itaas… hehehe.

Kidding aside, kung binabalak lang naman mangdaya sa karera, sana huwag na lang sumali…

Mas matatanggap pa ng lahat ang mag DNF tayo, kesa sa mandaya…

Maraming makaka-kita sa iyo. Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!


Dahil naging saksi na ako sa ganitong pangyayari….



50K Ultra 2010…

Tumakbo ako noon sa isang lugar sa may Visayas.

Matarik ang ruta, na-tempt ako mamulot ng mga putol na sanga ng puno para gawing tungkod. Pero di ko ginawa, pakiramdam ko kasi pandaraya din yun. Patag naman kasi yun ruta, matarik nga lang.

May naabutan ako dalawang mama. Ang kaso, magkatali ang kanilang mga baywang. Hinihila ng isang manong ang isa pa… Para sa akin, ang lagyan ng tali ang baywang at magpahila ay isang uri na din ng pandaraya.




42K Milo Marathon 2009…

Pagkatapos ko tumakbo/lumakad ng 42KM. Binalikan ko yung ibang kaibigan mananakbo para bigyan ng suporta. Pag-sapit ko sa tapat ng Aristocrat, binati ko si Runner X ng.. “Okay ka pa?At sumenyas sya ng “thumbs-up”.

Nun aking naabutan ang mga kaibigan, na-i-kwento ko sa kanila na nakasalubong ko si Runner X. Dito ko nalaman na nag-quit na pala ito at sumakay ng bus sa may bandang Buendia.

Kaso, eto ang malupit. Kumuha ng medal si Runner X at proud na proud pa na ibinandera ito…

Categories: La Maga Wa, Personal

Reklamador-to-door

October 12, 2011 16 comments

“Pare, hassle yung pagkuha ng race-kit pare dun sa ang hirap puntahan na location pare… yun driver ko pare pinapunta ko pare, tapos di binigay race-kit ko pare, kailangan daw ng authorization letter pare, bolshoi pare… 
tapos online ito pare eh.. dapat may nag-deliver na lang pare…
tapos di sinunod yun 10AM pare… ginawang 12PM pare… bad trip pare. I did not take my vitamins pa naman pare. And my yaya, she got mad pare… nabastos dun sa claiming area pare… maygaaadddd…”

Are you drugs??? Kung ano mang brand ng katol yang tinitira mo eh pakitigilan na at nagkukulang na ang oxygen sa iyong utak.

Senysa na… Wala ako kinakampihan dito. Kaso, nakakasawa na makabasa at makarinig ng mga reklamo.

Eto tip ko teh…

  1. Una… tigilan na ang paghithit ng katol!
  2. Magbasa! Magbasa lalo na sa mga official website. Dahil sa official website mo makikita ang maliliit na detalye… (eto nakalagay sa official website —> *For those who are unable to personally collect their Race Entry Pack, please fill out and print the letter of authorization. Your representative must show this form along with a copy of your Confirmation Slip). Mahirap intindihin? Ayaw mo maniwala? Pwet, este pwes ikaw na ang tumingin dito –> http://runrio.com/2011/09/nike-we-run-manila-10k-2011/
  3. Huwag! Huwag basta maniniwala lalo na sa mga sites na nangongopya lang. Malamang sa hinde eh, hindi nakapag-update yun site na pinupuntahan nyo nun biglang nag-adjust ng oras ang organizer.
  4. Kung! Kung nakapag-register na. Huwag masyadong atat!!! Dahil malamang sa hinde, eh meron pa na mas atat sa iyo.
  5. Kung ulet! Kung may pila. Pumila ng maayos.
  6. Kung na naman! Kung may reklamo… umayos sa pakikipag-usap sa tamang kinauukulan. Hindi yung magtatatalak at  magrereklamo sa hangin. Ang root word ay “ayos”. Kung ayos kang kausap, eh kakausapin ka din ng ayos. 
  7. IF! Para maiba naman.. If nakuha mo na ang Race Kit at medyo madami ang  tao sa claiming area, eh umalis ka na at nakakasikip ka lang. Tambay ka muna sa istarbaks, para nerbiyusin ng konti.

Opinyon ko lang…
Although nag-release ng change of time regarding sa claiming ng kits, sana di na lang binago yung oras. Dahil madaming hindi nagbabasa or malamang walang kaibigang nakapagsabi at nag-pa-alala na nag-palit ng oras. 

Or wala lang talagang kaibigan, period.


“Eh hindi pare eh….” 

Humihithit pa din!

May Nagtanong Ulet!!!

October 10, 2011 2 comments

Biglaan lang na may nagtanong kagabi…

“Mga bata ba yung nasa blog header mo? Parang hindi naman  ah…”

Very nice, meron na naman ako ilalagay sa blog ko… hehehhee 

Dito siguro nag-ugat ang tanong na yan… May Nag E-Mail!!! 

Eto po ang kabuuan ng picture ng blog header.

Kayo na po mag-husga kung mga bata ito o hinde…

Sya nga pala… Salamat kay Mrs sa tanong! =D

Categories: La Maga Wa, Personal

May Nag E-Mail!!!

October 4, 2011 3 comments

I received an interesting e-mail inquiry…

“Boss, kung ikaw si Rod Runner. Bakit ang blog header mo ay mga batang tumatakbo sa tubig? Di ba dapat sa Road?


Good observation! Talagang binasag mo bungo mo para lang dyan ha! 

Pero, oo nga ano… bakit nga ba?

Well… Sa mga hindi po nakaka-alam (ats if, este as if may iba pang interesado malaman bukod kay koya), lumaki po ako malapit sa dagat (Manila Bay, Roxas Blvd). Ang aking lolo ay isang mangingisda. At ayon sa aking Nanay, sanggol pa lang ako ay madalas na ako isama ng aking lolo sa dagat tuwing sya ay papa-laot upang mangisda.

Noon, madalas din ako maglaro sa tabing dagat kasama ng aking mga kaibigan kapag walang pasok sa eskwelahan. Wala pa yang Macapagal Blvd… wala pa yang Coastal Road. Maitim nga lang ang buhangin sa Manila Bay, pero napakalinaw ng tubig. Makikita mo ang mga maliliit na isda at mga pana-pana (sea urchins) na nagkalat.

Ayan koya, napahaba tuloy. Sana nasagot ko katanungan mo.

Teka, baka may magtanong kung marunong ako lumangoy. Opo, marunong ako lumangoy. Pero sabi nga ng isang kaibigan sa takbo nun nakita ako lumangoy sa pool, langoy-dagat daw ang alam ko. 


Di ko alam na meron palang langoy-swimming pool… :p

Categories: La Maga Wa, Personal

Pangmatagalan!

Someone asked… “Bro, they said you can run 10K even 15K without hydration? Is this true?”

Here’s my answer.

Yes, I can. But I’m not encouraging that you do the same specifically during a race.

I usually do this during training runs so that come race day, when and if water runs out I won’t be on panic mode fearing dehydration.

Please do note that during training days, I run on a route where hydration is available. I run where a convenience store is within reach. But I delay the urge of drinking.

I ran the BDM test run with my CamelBak, but I delayed drinking from it. Until Marga stopped me and told me to drink.

But I think the key here is to hydrate before the run. I drink at least 500ml of sports drink before running.

Categories: Hydration, La Maga Wa, Personal