Mula ng sumali sa mga patakbo
Ikaw na ang madalas na kasa-kasama ko

CONDURA RUN 2009 (1st 21K)

Ilang giyera na ang ating nilabanan
At ni minsan di mo ako iniwan

Nagalusan, napunit, nasugatan
Hinintay maghilom para muling makasama sa bugbugan

MILO MARATHON 2009 (1st 42K)

Nakasama sa di mabilang na malupit na karera

Tulad ng BDM, MILO at CONDURA

BDM 102, 2010
Ngunit tingin ko kailangan na natin maghiwalay
Hindi, huwag ka mag-alala, wala tayong away

Bugbog na bugbog ka na kasi sa giyera
Panahon na upang ika’y magpahinga

Alam ko na pwede pa kitang asahan
Malamang sa hindi, ikaw ay aking babalikan
Maraming salamat sa pagsama
Hanggang sa muli, mahal kong Shorts… 
Dahil ang haba na ng aking drama. =p 
Basketball shorts na ginawang Running shorts (Since 2009)
*thanks Joshia Sicad, Mike Antigua, Ace for the pictures